COLLECTION TARGET NG ADUANA. NALAGPASAN NG P5.44 BILLION

By: Victor Baldemor Ruiz

UMABOT sa P77.79 bilyon ang naging koleksyon ng Bureau of Custom para sa buwan ng Mayo lamang .

Sa report ng BOC kanilang nalampasan ang May 2023 Revenue Collection Target, at patuloy pa ang kanilang paglago.


Sinasabing nakakolekta ang Aduana ng P77.79 bilyon o lagpas ng P5.44 bilyon sa itinakdang target nitong makolekta na P72.35 billion.

Lumilitaw din na mas mataas din ito ng P11.50 bilyon o 17.36% kumpara sa nakolekta ng ahensya noong Mayo taong 2022.

Sa kabuuan mula Enero hanggang Mayo, nakakolekta na ang BOC ng total na P359.17 bilyon, lagpas ng P13.23 bilyon sa itinakdang target collection nito na P345.94 bilyon kung saan mas mataas naman ito ng P38.66 bilyon kumpara sa nakolekta sa unang limang buwan ng 2022.


Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio, naging mas mahigpit ang pangongolekta ng buwis at mas maigting na pagbabantay sa mga border laban sa smuggling ang ginagawa ng Aduana kaya nalagpasan ng kawanihan ang itinakdang target.

Inilatag ni Commissioner Rubio ang five-point priority program upang mas maging epektibo ang BOC sa pagganap sa mandato nito.


Bukod dito mas pinalakas pa ng BOC ang pagmamanman sa mga warehouse kung saan itinatago ang mga naipupuslit na produkto, pag-digitize ng proseso upang mas maging mabilis, mas malakas na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya na kinukuhanan ng permit para sa mga papasok na produkto, at pagbibigay ng mga bagong kasanayan sa mga tauhan ng BOC upang gumanda pa lalo ang kanilang performance.


Tags: Bureau of Custom

You May Also Like