Latest News

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN, NASUNOG

By: Baby Cuevas

Nagliyab ang bahagi ng ikalawang palapag ng Colegio de San Juan de Letran sa may Intramuros,Maynila, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa may kisame ng College Library sa ikalawang palapag ng gusali, dakong alas- 2 ng hapon.

Mabilis namang naapula ang sunog na tumagal lamang ng mahigit sa limang minuto at idineklarang ‘fireout’ alas- 2:04 ng hapon.


Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog na naging dahilan upang ikinansela na muna ang klase ng mga estudyante.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng Arson Division ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian sa nasabing paaralan.


Tags: Colegio de San Juan de Letran

You May Also Like