Colds at flu, tataas – DOH

By: Carl Angelo

Binigyang-babala ng Department of Health (DOH) ang publiko sa inaasahang pagtaas ng kaso ng communicable diseases tulad ng ‘colds at flu ” dahil sa umiiral na rainy season na susundan pa ng malamig na panahon.

Nabatid sa DOH na nagsimula ang rainy season nitong Hunyo at magtatagal hanggang sa Nobyembre na susundan naman ng taglamig mula Disyembre hanggang Pebrero.

Ang pahayag ay ginawa ng DOH dahil sa posibleng pagtaas ng mga nakakahawang sakit dahil na rin sa mga virus.


Sa datos ng DOH mula Enero 1 hanggang Setyembre 16, ang influenza-like illnesses ay umakyat sa 134,637, na walong porsiyentong mataas kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.

Nitong Agosto 2023, ang bilang ng mga viral disease ay 50% nqng mataas kumpara sa kaparehas na panahon noong 2022.


Ayon sa DOH, ang COVID-19 infection ay tumaas rin mula Agosto, kung saan average na 172 bagong kaso ang naitala hanggang nitong Oktubre 2.

Gayunman, base sa health system capacity ng DOH ay nanatili itong nasa “low risk” na may 16% ICU bed utilization rates.


Samantala,inabisuhan ng DOH ang publiko na patuloy na sumunod sa public health measures gaya ng pagsusuot ng mask, tiyaking may sapat na bentilasyon, mag -isolate kapag may sakit at magpa-booster.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read