COL. RAMON ZAGALA, OPISYAL NANG MANUNUNGKULAN BILANG PSG CHIEF

NAGSIMULA nang opisyal na manungkulan bilang pinuno ng Presidential Security Group si dating Armed Forces of the Philippine Spokesperson Col Ramon Zagala na personal na hinirang ni pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr., para hawakan ang maselang responsabilidad na pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng president at ng kanyang first family.

Ito ay kasunod ng ginanap na change of command ceremony ng Presidential Security Group (PSG) sa PSG Grandstand sa Malacanang Park sa Maynila na dinaluhan ni Pangulong Marcos.


Bandang alas-3:00 kahapon ng Lunes isinagawa ang change of command kung saan pinalitan ni Col. Ramon Zagala si BGen Randolph Cabangbang bilang PSG Commander.

Itinalaga rin ni President Bong Bong Marcos si Col. Zagala bilang acting Senior Military Assistant .

Si Zagala ay kabilang sa pamilya na puno sa military tradition mula sa kaniyang lolo na World War 11 hero Ramon Zagala hanggang sa kaniyang ama na si MGen. Rafael Zagala


Si Zagala ay graduate ng AFP Training Center Officer Candidate School “Balikatan Class of 12” nuong 1994. Miyembro ng AFP Special Forces at Airborne na nagtapos din ng Public Affairs Qualification Course sa Maryland, United States. May AB Political Science degree sa De La Salle University at Master’s degree in Military and Defense Studies sa Australia.

Naging commanding officer ng 28th Infantry “Kamagong” Battalion, at assistant chief of staff for civil military operations ng 10th Infantry Division na pawang nasa Davao region; chief ng AFP PAO nuong 2013, at chief ng Philippine Army PAO nuong 2019.


Recipient din si Zagala ng ibat-ibang awards and decorations both sa administrative and combat duties kabilang ang Distinguished Service Star, Gold Cross Medal for gallantry in combat, 2 Bronze Cross Medals, 19 Military Merit Medals, AFP Senior Parachutist Badge, Army Aviators Badge, US public affairs badge, Presidential Medal of Merit at iba pang mga distinguished awards and commendations.

Bukod sa pagiging Spokesperson ng AFP, si Zagala ang siyang Executive Officer ng Office of the J7 sa Camp Aguinaldo.


Si Zagala ay dating Aide-de-Camp ni dating Pangulong Joseph Estrada. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Armed Forces of the Philippine Spokesperson Col Ramon Zagala

You May Also Like