Latest News

COAST GUARD NAGLATAG NG MARKER; CHINA, WALANG KARAPATANG MANITA DAHIL SILA ANG NANGHIHIMASOK

By: Victor Baldemor Ruiz

SA layuning mas mapalakas ng Pilipinas ang posisyon nito sa West Philippine Sea ay naglatag ng mga boya sa iba-ibang bahagi ng karagatang sakop ng Pilipinas ang Philippine Coast Guard .

Kasunod ito ng panibagong radio challenge sa Philippine Coast guard kamakailan.


Inihayag ng Philippine Coast Guard na pinapalakas lamang nila ang kanilang defense sa paglalagay ng mga markers o bouys sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Vice Admiral Joseph Coyme, ang mga inilagay na cardinal markers ay magsisilbing babala o alarma sa mga naglalayag na ang direksyon ay dapat na tahakin .

“If you try to look at the claim features ng Philippines, Vietnam at China, halos magkadikit-dikit lang kasi siya. So, lalo ‘pag gumamit ka ng eroplano, may possibility madaanan ‘yung sinasabing territorial airspace nila,” anito.


Samantala, nilinaw ng Philippine Coast Guard na walang dapat ikabahala dahil normal lang umano na makatanggap ng ‘radio challenge’ mula sa Chinese Navy na malapit sa inaangking teritoryo ng Pilipinas.

We respond [to] them through voice radio. We are telling them this is a normal routine,” ani PCG Vice Admiral Joseph Coyme.


Nabatid na nakatanggap ng radio call challenge ang coast guard mula sa Chinese Navy habang papuntang Pag-asa Island para mamahagi ng ayuda sa mga residente .

Hindi naman sang-ayon ang Philippine Navy sa napaulat na radio challenge ng China sa mga tauhan ng coast guard.


Sa isang TV interview ay sinabi ni Philippine Navy chief Vice Admiral Toribio Adaci, Jr., na ang Beijing ang siyang lumalagpas at hindi ang Pilipinas.

“I believe the scenario happened in the vicinity of Pag-asa Island and it’s obvious who is crossing the boundary,” ani Vice Adm Adaci sa TV program.

Hindi umano dapat naglabas ng radio challenged ang China at ayon sa opisyal, ito ay kanyang opinyon



Naniniwala si Adaci na malaking bagay ang “code of conduct “ sa South China Sea para maiwasan ang anumang aggressive action sa dagat na sakop ng Pilipinas .

“Nowadays, the maritime environment has become complex. Nations have resorted to the use of white ships, I’m referring [to] coast guard ships, to prosecute their territorial claims. That blurs the distinction between the navy and the coast guard,” anang heneral ng Hukbong dagat.

“We should give focus on external defense operations because… the challenge is really on our territorial waters,” sabi pa ni Adaci.

Kabay nito ay inihayag ni Adaci na nakahanda ang Philippine Navy kahit wala pang official directive hinggil sa joint patrols kasama ng US.

Tags: Philippine Coast Guard

You May Also Like