COA, walang kapangyarihan na magpataw ng administrative penalty – SC

By: Philip Reyes

NAGPAAALALA ang Supreme Court (SC) sa Commission on Audit (COA) na wala itong kapangyarihan na magpataw ng administrative penalties.

Batay sa SC En Banc decision na may petsang Mayo 28, 2024 pero ngayon lang inilabas sa publiko, pinayagan nito ang petisyon ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Region III officer Jess Christopher Biong laban sa COA.


Napag-alamang binalewala ng SC ang disallowance ruling ng COA laban kay Biong.

Noong 2011, magpalabas ang COA Ng notices of disallowance sa PhilHealth Region III officers, kasama na si Biong, matapos na madiskubre na ang ibinayad na P129,370 sa Silicon Valley para sa printer inks at toners ay “irregular” dahil sa pagka-delay ng delivery ng supplies, kawalan ng inspection reports, at pinalsipikang ‘supplies withdrawal slips’.

Si Biong ay ‘civilly liable’ sa disallowance dahil sa pag-sertipika na ang mga items ay nai-deliver at dahil sa pagkabigo na madiskubre ang pinalsipikang ‘falsified withdrawal slips.’


Gayunman, sinabi ng SC na ang PhilHealth-Central Luzon ay hindi dumanas ng pagkalugi nang bayaran ang Silicon Valley para sa naturang supplies.

Ang iregularidad ay nangyari umano matapos na makumpleto ang transaksiyon.


“The liability of erring public officers in a disallowance case should partake of the nature of an obligation for restitution – not a fine or a penalty,” base sa desisyon isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like