TUMANGGAP ng bahay at lupa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang class valedictorian ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ipinrisinta ni Duterte ang certificate of ownership kay Police Cadet Ernie Padernilla sa ginanap na 43rd Commencement Exercises ng PNPA “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite nitong Abril 21,2022.
Naba5id na ang bahay at lupa ay nagkakahalaga ng P 2 milyon na mula sa Vista Land Company ng negisyanteng si dating Senador Manny Villar.
Nalaman na si Padernilla, ay tubong Passi City, Iloilo, ay tumanggap rin ng Presidential Kampilan award.dahil sa pangunguna sa klase , Best Forensic Science Award at Best in Thesis Award at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Criminology sa Passi City College noong 2017. (Jaymel Manuel)














