Class suit sa Bataan maritime mishaps, iniumang ng DOJ

By: Philip Reyes

Kasalukuyang pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ), ang pagsasampa ng class class suit laban sa mga responsable sa tatlong maritime mishaps sa Bataan.

“We’re looking into the angle of class suit already against the owners, and others who may be responsible for this,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matapos ang inter-agency meeting kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) at Cavite Governor Jonvic Remulla.


“Tuloy-tuloy ang demandahan dito kasi may nakita kami talagang crime dito na ginawa,” ani ni Remulla.

Aniya, may nadiskubre silang “significant findings” na may interconnection sa tatlong insidente.

“We have significant findings today, which we will reveal in due time,”dagdag pa ni Remulla .


May sapat umanong ebidensiya para sampahan ng reklamo ang mga responsable sa paglubog ng motor tanker at vessel.

Hindi umano pinag-uusapan ang aksidente kundi iyong krimen na ginawa sa mga tao.


“All three are interconnected, I believe, especially the first two,” sabi pa ni Remulla.

Matatandaan na lumubog ang Motor Tanker (MTKR) Terranova sa Limay, Bataan noong Hulyo 25,2024, na sinundan ng MTKR Jason Bradley, na lumubog sa noong Hulyo 27 dahil sa masamang panahon at MV Mirola 1 na may kargang diesel oil,sa Sitio Quiapo , Barangay Biaan, na lumubog naman sa Mariveles noong Hulyo 31.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like