Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug enforcement Agency PDEA NAIA-IADTG ang babaeng claimant ng isang parcel na naglalaman ng ecstasy mula Belgium.
Ang nasabing parcel ay naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs, matapos itong idaan sa initial inspection sa x-ray machine sa Central Mail exchange center CMEC Domestic road sa Pasay City.
Nabatid na ang parcel ay ipinadala ni Maria Suarez ng General Brubbelstraat 42 Belgium, na naka-consign naman sa isang Charito Casamello 38, ng Trasmo street Manuyo uno Las Piñas City.
Nadiskubre umano ng mga tauhan ng NAIA customs at NAIA PDEA-IADITG ang laman ng parcel kung saan nakalagay ang headphones, tumbler dresses at chopping board, kasama na dito ang ecstasy na may street value ma P 4,964,000.
Naiturn-over na ng NAIA customs sa NAIA PDEA ang naturang illegal drugs para sa karagdagang imbestigasyon.(JERRY S. TAN)














