Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang empleyado ng Manila City Hall na nakatalaga sa Delpan Evacuation Center sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 ( Child abuse law), kamakalawa ng hapon sa Binondo,Maynila.
Si Edwin Perrobias ,52 ng Concepcion Aguila Street, Quiapo, Maynila, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest
Inisyu ni Presiding Judge Mariesther Vedana ng Manila Regional Trial Court Branch 48 ang warrant na may petsang Hunyo 30, 2022dahil sa kasong paglabag sa Section 10 (A) ng R.A 7610.
Ayon kay PEMS Vicente Mabborang , hepe ng Station Warrant Section ng MPD- Barbosa Police Station 14, alas 2:30 ng hapon nang ikasa nila ang pag-aresto kay Perrobias sa nasabing lugar.
Ang suspek ay nasa most wanted person sa station level ng PS 14.
Inirekomenda naman ng korte ang P80,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.