Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang empleyado ng Manila City Hall kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng City Hall sa Arroceros, Ermita, Maynila. dahil umano sa pamemeke ng mga resibo.
Nasa kustodiya ng SMaRT, na pinamumunuan ni Maj. Edward Samonte ang suspek na si Sherwin Egiez,42, residente ng No. 269 Lakandula St., Barangay 34, Tondo, Maynila, matapos na maaresto alas- 6:30 ng gabi sa loob ng Manila City Hall.
Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek nang humingi ng police assistance ang Office of the Secretary makaraang madiskubre ang iligal na aktibidad ng suspek.
Ayon kay Samonte, may online access umano sa GO! Manila para sa mga online transactions ang suspek kung saan nagpa- facilitate ito ng application at nagi-isyu ng kopya ng Electronic Official Receipt.
Nalaman na pineke umano ng suspek ang inisyu na resibo sa isang negosyante.
Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Article 315 (ESTAFA) at Falsification by Private Individuals and Use of Falsified Documents ang suspek sa Manila Prosecutors Office.














