CIDG CHIEF MGEN TORRE, BAGONG PNP DIRECTOR GENERAL

By: Victor Baldemor Ruiz

Pormal nang inihayag ang pagkakahirang ni President Ferdinand Marcos, Jr. kay Police MGen. Nicolas Torre III ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group bilang kapalit ni PNP chief PGeneral Rommel Marbil.

Opisyal na inihayag ng Malacanang ang pagpili ni PBBM kay Gen. Torre na responsable sa mga high- profile cases operations kabilang ang paghuli kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy sa Davao City.


Nagresulta ito para italaga siya bilang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief.

Si Torre din ang naatasan na magsilbi ng warrant of arrest kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Una rito ay pinamunuan niya ang Quezon City Police District kung saan ay pinangunahan niya ang implementation ng three-minute response time sa mga emergency call sa kapulisan na nakatakdang gayahin at ipatupad ngayon sa buong bansa.


Nakatakdang ganapin ang turnover ceremony sa Hunyo 2, 2025.#

Naging hepe din siya ng Davao regional police, Western Samar Provincial Police Office.


Tags: Police MGen. Nicolas Torre III

You May Also Like