DEAD on arrival sa pagamutan ang isang church minister samantalang sugatan ang dalawang kasama nito matapos na mahulog sa irrigation channel ang kanilang sinasakyang pick up truck sa Brgy. Lobong, sa bayan ng San Jacinto sa lalawigang ng Pangasinan.
Kinilala ang nasawing alagad ng simbahan na si Elmer Joson Cavanit, 51, anyos residente ng Parañaque City, National Capital Region.
Habang ang dalawang kasama na kapwa nilalapatan ng lunas ay nakilalang sina Yvander Raros Cavanit 22 taong gulang ang Aileen Domiguez Cavanit 47 anyos .
Isa umanong self-implicit accident ang nangyari ayon sa San Jacinto Municipal Police station .
Lulan si Cavanit ng isang Ford Ranger pickup truck na minamaneho ni Yvander Cavanit, residente ng Dagupan City Pangasinan kasama si Aileen Dominguez Cavanit, may asawa ng paranaque City nang biglang mawalan ng control sa manibela si Yvander ng sumadsad sa tambak na graba at buhangin malapit sa tulay kaya nagtuloy tuloy ito sa irrigation canal.
Nagawang maitakbo agad ang tatlong biktima sa pagamutan subalit idineklarang patay na ng idating si Elmer.
Ayon sa mga otoridad naganap ang sakuna bandang alas 3:00 ng madaling-araw habang tinatahak ng pick up truck ang kahabaan ng provincial road sa naturang lugar papuntang kanluran nang masagasaan nito ang nakatambak na gravel and sand sa sirang bahagi (westbound lane) ng tulay.
Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa mahulog sa irrigation channel sa tabi ng eastbound lane ang sasakyan.
Nabatid na ang tatlo ay pare-parehong sugatan at agad na isinugod sa ospital.
Gayunman, ang isa sa mga biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.