‘Christopher de Leon’, arestado

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 9 ang isang kapangalan ng artista matapos maaktuhang nilalahari ang kable ng internet ng Philippine Long Distance Communication (PLDT) kahapon ng umaga sa P. Ocampo St., corner Adriatico St., Barangay 719, Malate, Maynila.

Nakumpiska sa suspek na si Christopher de Leon, nasa hustong edad , miyembro ng Bahala na Gang at residente ng No. 740-B, Balingkit St., Malate, Maynila, ang 12 metro ng kable na nagkakahalaga ng P60,000, pliers at chainsaw.

Tumayong complainant laban sa suspek ang Representative ng PLDT na si Mark Cabuga, 29, Field Technician ng PLDT, at taga No. 2306 M. Adriatico St., Malate, Maynila.


Nabatid na naganap ang paglagari ng suspek sa kable ng PLDT internet alas0 11:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Nagpapatrulya umano ang mga tauhan ng Roxas Boulevard-PCP sakay ng kanilang Mobile car – 179 nang makita na aktuwal na nilalagari ng suspek ang hinarbat na kable.

Sanhi nito, kaagad na sinita at inaresto ang suspek.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 9 ang suspek at sasampahan ito ng kasong theft sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 9

You May Also Like

Most Read