Christmas, very positive — OCTA

Nakatitiyak umano ang OCTA Research Group na magiging “very positive”, ang selebrasyon ng panahon ng Kapaskuhan sa bansa.

Sinabi ni OCTA fellow Prof. Ranjit Rye, ito ay dahil sa nakikitang pagbaba ng kaso ng COVID -19 at ng mortality nito.


“Tingin natin, very positive ang Pasko natin na ito,” ani Rye.

Gayunman,hinikayat ni Rye ang publiko na patuloy na magsuot ng face mask dahil mahirap na magkasakit.

Ayon kay Rye, andito pa rin ang COVID -19 kaya kailangan pa rin na mag-ingat.


” Kailangan, magtuluy-tuloy pa ang pag-iingat natin,”dagdag ni Rye. (Jaymel Manuel)


Tags: OCTA Research Group

You May Also Like