“The observance of Christmas Day over the weekend was “generally peaceful,”
Ito ang naging pahayag kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) matapos na hindi sila nakapagtala ng anumang karahasan.
Sinasabing wala ding naitala ang mga awtoridad na illegal discharge of firearms sa hanay ng kapulisan o anumang untoward incident na makaka gulo sa pagdiriwang ng kapaskuhan ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.
“Masaya po tayong maibalita na naging generally peaceful naman po iyong celebration ng ating Christmas Day at sana magtuloy-tuloy po ito
Naging ‘generally peaceful’ din umano ang pagsasagawa ng siyam na araw na Simbang Gabi sa bansa, partikular sa Metro Manila.
Ayon kay Col. Jean Fajardo, bagama’t may naitalang maliliit na insidente tulad ng theft cases ay hindi ito nakaapekto sa pangkabuuang selebrasyon ng holiday season na sama ay magtuloy tuloy hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.
Kinumpirma rin ng tagapagsalita na nakapagtala sila ng isang kaso ng pagpapaputok ng baril sa La Paz, Abra noong madaling araw ng December 25 na kinasasangkutan umano ng isang tauhan ng Philippine Army na kasalukuyang nasa kustodiya na ng La Paz PNP.
Sa Metro Manila, sinabi ng National Capital Region Police Office na wala silang naitalang significant incident sa bisinidad ng mga simbahan.
Nakapagtala lang din ang NCRPO ng 100 index crime incidents mula December 16 hanggang 24 na mas mababa sa 154 na naitala sa parehong panahon noong 2021 at sa 190 na naitala noong 2020. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)