Umabot sa may 3,890 kaso ng Choleta ang naitala ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang ngayong Oktubre 2022, na mas mataas ng 286% sa bilang ng mga kaso na naitala noong 2021.
Ayon sa datos ng DOH, may 1,009 kaso ng cholera ang naitala mula Enero.hanggang Oktubre 1,2021.
“Ang cholera cases natin nitong 2022… are actually higher than what we reported even during the pre-pandemic years,” ayon kay Dr. Alethea De Guzman, director ng DOH pidemiology bureau, sa isang press briefing.
Pinakamarami umanong kaso ng cholera ang naitala sa. Eastern Visayas (2,622), Davao Region (441) at Caraga (289).
Lumalabas rin na DOH 52% o 2,031 na dinapuan ng cholera ngayon taon ay 18% ang babae, o 692 na 5-9 years old.
Kinumpirma rin ng DOH na 37 ang nasawi sa cholera mula Oktubre 1.
Ang naturang bilang ay 640% mas mataas sa limang nasawi sa kaparehas na panahon noong 2021.
Nabatid na ang epidemic threshold ng cholera ay naitala noong Hulyo.
“Pero makikita din natin… na makaraan ng peak nuong July ay bumaba na ang kaso ng cholera at mukhang nagpa-plateau na over the last month,” dagdag ni de Guzman.
Natukoy ng DOH ang Central Luzon, Central Visayas, at Eastern Visayas na nalampasan ang epidemic threshold sa nakalipas na apat na buwan. (Arsenio Tan)














