Latest News

CHNESE NEW YEAR, MANINGNING SA ATAS NI CITY AD BERNIE ANG; CHINESE TOURISTS, MAINIT NA SINALUBONG NI GM CHIONG

Naging napakasaya at maningning ang ginanap na Chinese New Year Celebration sa lungsod ng Maynila, matapos ang ilang taong pandemya kung saan hindi ito nagawang ipagdiwang ng mga miyembro ng Chinese-Filipino community.

Isang mainit na pagbati kina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo at siyempre pa, kay City Administrator Bernie Ang na siyang tumiyak ng buong pagsuporta ng Chinese-Filipino community at pagdalo sa okasyon ni China Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Ambassador of the Philippines to Beijing, Peoples Republic of China Jaime Florocruz.

Congratulations din kay tourism chief Charlie Dungo at gayundin kina Manila Chinatown Development Council head Willord Chua; Founding President Peter Zhuang ng Filipino-Chinese Youth Business association, Inc.; Manila Chinatown Barangay Organization headed by Jefferson Lau at Manila-China Affairs chairman Ati Co, sa kanilang pagsisikap na mapaganda ang selebrasyon, sa kumpas na din ni City Administrator Bernie Ang.

Siyempre pa, congratulations kay Manila Police District Director PBGen. Andre Dizon at sa mga tauhan ng MPD sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa pagdiriwang ng Chinese New Year na dinaluhan ng 600,000 katao.

Tumagal ng halos sampung minuto ang napakagandang Fireworks Display na ginanap sa Filipino-Chinese Friendship Bridge sa Intramuros kaya naman tuwang-tuwa ang daang libong katao na nagtungo doon para manood ng Chinese New Year countdown.

Muli, isang papuri sa mga nasa likod ng matagumpay na pagdiriwang ng Chinese New Year. Kung Hei Fat Choi!!

***

CHINESE TOURISTS, MAINIT NA TINANGGAP NI GM CESAR CHIONG-Kaugnay pa rin na nasabing okasyon ay mainit na tinanggap ng mga opisyal ng pamahalaan ang halos 200 dumating na Chinese tourists sa NAIA Terminal 1, sa pangunguna nina Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong, Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at sina Ambassador Huang Xilian at Xiamen Air General Manager of Manila Office Yan Tan. Dumating ang mga turista lulan ng Xiamen Airlines flight MF819 mula Xiamen.

Ipinaramdam nina GM Chiong ang uri ng mainit na pagtanggap ng Pilipinas sa mga bisita nito, kung saan sila ay inalayan ng leis at mga regalo mula sa MIAA, DOT at Embassy of China in the Philippines. Tinugtugan din ang mga turista ng Filipino bamboo orchestra musicians.

Napili ng mga nasabing Chinese visitors ang Pilipinas bilang destinasyon ng kanilang pagbabalik sa inbound travel, matapos luwagan ng China ang mga restrictions para sa mga mamamayan nitong papalabas ng bansa. Inaasahan umanong magkakaroon ito ng positibong epekto sa eknomiya dahil nananatili ang China bilang pangunahing source ng foreign tourists na gumagastos nang husto. “The recent state visit of President (Ferdinand Marcos) to China, both presidents of China and the Philippines have agreed to make people to people exchanges as one of the four already areas of cooperation and of course during the visits, our tourism cooperation was actually signed so I think that today’s event is also one of the measures to implement the agreement reached by our two leaders,” banggit pa ni Ambassador Xilian.

Naisama pala ang Pilipinas sa 20 bansa na tinukoy ng China Ministry of Culture and Tourism para maging bahagi ng ‘pilot areas’ para sa outbound tourism group tours, kasama na ang ASEAN nations na Thailand, Indonesia, Cambodia, Malaysia, Singapore, Laos, as well as Sri Lanka, the Maldives, United Arab Emirates (UAE), Egypt, Kenya, South Africa, Russia, Switzerland, Hungary, New Zealand, Argentina, Cuba at Fiji.

Batay sa record ay nakapagtala ang Pilipinas ng 8.26 million all-time high international visitor arrivals noong 2019, kung saan ang China ay pumangalawa sa South Korea bilang pinakamaraming bumisita sa Pilipinas. Mahigit 1.7 million ang bumisita sa bansa na galing China sa nasabing taon hanggang sa magkapandemya na.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read