CHITO MIRANDA , NAWALAN NG BOSES HABANG NAGJA-JAMMING

By: Beth Gelena

NAWALAN daw ni boses ni Chito Miranda habang nasa gig sila ng Parokya ni Edgar.

Mahigit ng 30 years na sa music world ang grupo, pero ngayon lang nangyari sa vocalist ng Parokya ni Edgar na mawalan ng boses sa gitna ng pagja-jamming.

Last February 1 ay nagkaroon ng aberya ang boses ni Chito habang sila ay nagpe-performsa sa La Union.


Sa Instagram account ni Chito, sinabi niyang he suddenly lost his voice in the latter part of their show, which also included Kamikazee band members Jay Contreras and Bords (Allan) Bordeos.

Kuwento ni Chito: “Sobrang saya ng gig namin kagabi sa Alpas, La Union. More than 2hrs yata ‘yung set namin, tapos biglang nag-jam pa si Jay at Bords ng KMKZ. Pero nung mga last few songs, nawalan na ako ng boses, and it was obvious na hirap na ako kumanta, so I kept on apologizing to Jay and my bandmates…sabi ko di ko na kaya.”

“Tapos may sinabi sa akin si Jay na bigla akong nahimasmasan. Sabi nya, ‘Ok lang ‘yan, Chits…di naman tayo sikat dahil magaling tayo eh. Sikat tayo kasi masaya lang tayo’ sabay tawa.”

“Ayun, kumanta na lang ako ulit na walang paki, and just enjoyed the last few songs hangga’t matapos yung set. Minsan may sense din ka-usap ‘yung ungas na yun eh.”


Tags: Chito Miranda

You May Also Like

Most Read