Latest News

Chinese,pumatay sa kasosyo, arestado

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-homicide section, ang isang 29-anyos na Chinese national na pumatay sa kanyang kababayan dahil sa awayan sa negosyo,kamakalawa ng gabi sa Mira Verde Subdivision, Phase 2, Guiguinto, Bulacan.

Nasa kustodiya ng MPD-hs ang suspek na si Hongji Xu ,na nasa top 1 most wanted sa Disrtict level.

Nasabat si Xu, alas 9 ng gabi sa naturang lugar habang sakay ngbkanyang motorsiklo at pinara ng mga pulis


Si Xu ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest inisyu ni Presiding Judge Maria Lina Nieva S Casals acting , ng Manila RTC Branch 45, dahil sa kasong murder na may petsang Enero 28,2022

Walang inirekomendang piyansa para sa kalayaan ni Xu ,ang korte.

Ayon sa impormasyon ng pulisya binaril at napatay umano ni Xu ang kanyang kababayan matapos mag-away tungkol sa kanilang negosyo at pagkatapos ay nagtago na si Xu.


Tags:

You May Also Like

Most Read