Latest News

Chinese national na pusher, arestado sa NBI

NASAKOTE ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU), ang usang drug pusher na Chinese national sa ginanap na buy bust operation,kamakailan sa Makati City.

Nasa kustodiya ng NBI ang suspek na si Qizhi alyas Lao Lee matapos na bentahan ng shabu ang isang poseur buyer ng NBI.

Nakumpiska sa suspek ang 56 piraso ng shabu pills,1 piraso ng
metal canister na naglalaman ng crystalline substance na may market value na P300,000 sa isinagawang operasyon noong Marso 10.


Bukod pa sa (1) Tanfolgio 9 mm caliber pistol NA MAY (2) magazines at 21 bala ng 9mm baril.

Sinampahan amg suspek sa Makati City Prosecutors Office ng kasong pahlabag sa Sections 5 and 11 ng R.A. 9165 kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Illegal Possession of Firearms in relation to COMELEC Gun Ban. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read