Inaresto ng mga pulis-Maynila ang “jowa” ng isang Chinese national, pati na ang tatlong kalalakihan na inutusan umano niyang mang-holdap sa kinakasama niya, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.
Nasa kustodiya ng Manila Police District -Police Station 3cang mga suspek na sina Angelo Paran, 20;Arnel Preda, 31;John Elbert Navalta, 22 at ang partner ng Chinese na si Sarah Antonio, 25, pawang taga-Sta. Cruz, Maynila.
Nag-ugat ang pagkaka -aresto ng mga suspek matapos na magreklamo ang biktimang si Wilbert Lim, 64 at Chinese national.
Napag-alaman na naganap ang insidente noong Mayo 3 sa panulukan ng Andalucia at Malabon Street sa Sta. Cruz.
Ayon sa biktima, magkasama sila ni Antonio nang sabihin nito na iparada muna sandali ang sasakyan at maya-maya pa ay may lumapit sa kanilang tatlong lalaki at nagdeklara ng holdap.
Depensa naman ni Sarah, cellphone lamang ang gusto niyang kunin kay Lim dahil ibinibigay nito ang kanyang mga hubad na larawan sa ibang mga Chinese.
Naaresto ang mga suspek sa isinagawang follow up operation sa lugar.