Chinese national, ‘di pinayagang magpiyansa

Nabigo ang isang Chinese national na pansamantalang makalaya sa kanyang kasong kidnapping at serious illegal detention matapos magpalabas ng arrest warrant ang Pasay City Regional Trial Court laban sa kanya.

Ang arrest warrant ay isinilbi ng Manila Police District -Police Station 9 sa loob mismo ng Pasay City Jail laban kay Zhong Hang, alyas Lucas Tan Anita , negosyante at taga Legacy Village BF Homes Parañaque, para sa kasong kidnapping at serious illegal detention (RPC Art. 267) na inamiyendahan sa Republic Act 18 at R.A.1084.

Pinangunahan ni PMajor Salvador Iñigo Jr , ng Intelligence Branch at ni PCapt.Henry Navarro ng Station Warrant Section ang pagsisilbi ng arrest wartant na inisyu ni Presiding Judge Elmer Joseph R. Guerzon ng Regional Trial Court Branch 114, Pasay City .


Napag-alaman na bukod kay Zhong, nagtungo rin sina Navarro ala-1 ng hapon sa Kamuning Police Station 10 sa Quezon City para isilbi ang warrant of arrest sa isang Joey Ramos Y Santiago, 28, ng Unit 502 Anne Francis Condomiiuim sa Sandejas St., Barangay 729, Malate, Maynila. (Philip Reyes)

Tags: Pasay City Regional Trial Court

You May Also Like

Most Read