Latest News

Chinese national, bumagsak sa kalsada, patay

Patay ang isang 73- anyos na Chinese national matapos na bumagsak, una ang ulo, habang naglalakad sa N.Reyes Street, Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSMS Dennis Suba ng Manila Police District-homicide section ,naganap ang insidente alas-11:45 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid kay Vincent Morados,security guard, na napansin niyang parang pagod na pagod at nanghihina ang biktima habang naglalakad at pagkatapos ay umupo sa silya.


Maya-maya ay nakita niyang natumba ito at unang bumagsak ang ulo sa kalsada at nang puntahan niya ay wala nang buhay kaya’t kaagad niyang itinawag sa MPD-Police Station 14 ang pangyayari.


Tags: MPD-Police Station 14

You May Also Like

Most Read