Latest News

Chinese national balik-selda

Balik-selda ang isang 26 anyos Chinese national na lalaya na sana sa detention cell ng Manila Police District – Station 9 matapos na makapagpiyansa kamakalawa ng gabi sa Malate,Maynila.pero naudlot nang maberipika na may isa pa itong arrest warrant at wanted sa kasong act of lasciviousness may dalawang taon na ang nakakalipas.

Sanhi nito, nanatili sa kustodiya ng MPD-PS 9 ang suspek na si Liu Bo, nanunuluyan sa Room 1221, Admiral Baysuit, Malate, Maynila matapos na maaresto alas- 6:10 ng gabi sa loob ng presinto.

Si Bo ay inaresto sa bisa ng arrest warrant inisyu ni Presiding Judge Hon. Ma. Concepcion Billiones, ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 62 at may petsang Hunyo 16,2021.

Inirekomenda ng korte ang P36, 000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek sa kaso nitong acts of lasciviousness.

Nabatid na ang suspek ay lalaya na umano sa ibang kasong kinasangkutan nito pero nabinbin matapos maberipika ng MPD-PS9 na may standing arrest warrant ito sa kasong acts of lasciviousness.

Tags:

You May Also Like

Most Read