Latest News

Chinese, naisyuhan ng 200 pekeng birth certificates sa Davao del Sur — NBI

By: Jantzen Alvin

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na may 200 pekeng birth certificates ang inisyu sa karamihan ay Chinese nationals ng civil registry ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sa ulat na tinanggap ni NBI Director Jaime Santiago mula kay NBI Region 11 Director Archie Albao, ang mga pekeng birth certificates ay inisyu mula 2018-2019.


“Our effort to investigate this more or less questionable birth certificates that were issued to foreign nationals, particularly Chinese, are ongoing,” ani Albao.

Sasampahan umano ng kaukulang kaso ng NBI ang sinumang mapapatunayan na sangkot sa pag-iisyu ng mga pekeng birth certificate.


Ani Albao, ang pagkakadiskubre sa mga pekeng birth certificate ay bunga ng isinasagawa nilang imbestigasyon at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority, Bureau of Immigration at local government units.

Kinumpirma niya na ang imbestigasyon ay isinagawa bunsod ng pagkakaaresto sa isang
Chinese national sa office of the Department of Foreign Affairs sa Davao City noong Hulyo 9, 2024 dahil sa paglabag sa Passport Law, Falsification of Public Documents at Concealing True Name.


Nakatanggap umano ng tawag ang DFA office kaugnay sa mga pekeng dokumento gaya ng birth certificate, identification card at driver’s license.

Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read