CHINESE NA LALAKI, PATAY MATAPOS MAG-COLLAPSE SA LRT ENTRANCE

By: Baby Cuevas

Isang 61-anyos na lalaking Chinese national ang namatay nitong Martes ng gabi, matapos mag-collapse at tumama ang ulo sa south entrance ng LRT Recto Stationi sa may kanto ng vangelista Street at Recto Avenue sa Quiapo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Xu Yucan,ng Room 902 Binondo,Terrace, Alvarado St.Binondo, Manila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Charles Benson Dela Torre ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente alas- 6:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.


Sa impormasyong ibinigay ng saksing si Abegail Santos, 25, nakatayo umano siya sa entrance ng LRT nang makitang nawalan ng malay ang biktima at tumama ang noo sa sementadong sahig.

Kaagad umanong sumaklolo si Santos sa biktima pero napansin niya na hindi na ito humihinga, kaya kagaad niyang ipinaalam kay Barangay Kagawad Manuel Rosales na siyang tumawag sà MPD.

Dinala ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read