Latest News

CHINESE AMBASSADOR NAGPASALAMAT SA FIRST LADY; FL, NAGHANDOG DIN NG LUNCHEON SA LADY AMBASSADORS

NAGPAHATID ng kanyang pasasalamat kay First Lady Louise Araneta-Marcos si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian.

“It is a great honor to visit Malacanang Palace. Thank you, Madam First Lady, for the extraordinary luncheon and warm hospitality, “ani Amb. Huang Xilian sa kanyang social media post.

Nabatid na nag-host din si First Lady Marcos ng isang luncheon para sa mga Resident Lady Ambassadors na nakatalaga sa Pilipinas.

Isinagawa ang luncheon sa Rizal Hall sa Palasyo ng Malakanyang kung saan kabilang sa mga dumalo sina Ambassador MaryKay Loss Carlson (United States of America), Ambassador Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe (South Africa), Ambassador Betty Palaso (Papua New Guinea), Ambassador Bita Rasoulian (Austria), Ambassador Shobini Kaushala Gunasekera (Sri Lanka), Ambassador Folakemi Ibidunni Akinleye (Nigeria), Ambassador Annika Gunilla Thunborg (Sweden), Ambassador Grete Sillasen (Denmark), Ambassador Anke Reiffenstuel (Germany), Ambassador Michèle Jeannine Andrèe Boccoz (France), Charge D’ Affaires Monica Theodora Geertruida van Daalen (Netherlands) at Charge D’ Affaires Lhuana Pamella Lopez Amorim (Panama).

Bago ang luncheon, binigyan muna ng tour sa loob ng Palasyo ng Malakanyang nina First Lady Marcos at Social Secretary Bianca Cristina Zobel ang mga Lady Ambassadors. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read