Latest News

CHINA, WALANG NAKAMKAM NA TERITORYO NG PILIPINAS — DND

Ipinagmalaki ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na matagumpay na naipagtanggol ng Pangulong Rodrigo Duterte ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na anim na taong panunungkulan nito dahil walang nabawas sa teritoryo ng Pilipinas at wala ding nakamkam na teritoryo ang ibang mga bansa sa pinag-aagawang karagatan.

“Mula nung dumating si President Duterte, noong umupo sya na presidente ay walang nakuhang kahit na isang… ang tawag nga even an inch or territory was taken by China, kung saan sila nandun nung dumating si President Duterte nandyan lang sila ngayon, wala silang nakamkam, hindi sila umuurong,” ani Sec Lorenzana.

Sinabi ng Kalihim, nagkaroon lang aniya ng pag-improve ang mga bansang may interes sa West Philippine Sea sa mga features o teritoryong hawak nila sa kasalukuyan.

Wala naman aniyang problema dito basta’t nanatili ang kasunduang status quo, walang galawan o walang sasakop ng bagong teritoryo.

Nabatid na maging Pilipinas ay tuloy tuloy din ang ginagawang improvement sa mga isla na okupado ng bansa sa Kalayaan island group, kung saan pinakamalaki ang Pag-asa island.

Kabilang na rito repair ng airstrip sa pag-asa Island. Target aniya ng pamahalaan na matapos ang ginagawang runway hanggang Hunyo o buwan ng Agosto ng taong kasalukuyan.

Sa oras aniya na matapos ang runway, maaari nang lumapag anumang oras ang mga eroplano sa Pag-asa island at maaaring mas mabilis na ang pagre resupply sa mga sundalong nakatalaga sa mga isla

Nagkaroon lang aniya ng pag-improve ang mga bansang may interes sa WPS sa mga teritoryong hawak nila sa kasalukuyan at walang nabawas sa inaangkin ng Pilipinas. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read