CHINA-PHILIPPINE CONSULTATION, NAGING MABUNGA

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGING mabunga ang 8TH China-Philippine Consultation Mechanism on South China Sea na ginanap kamakalawa sa Shanghai at dinaluhan ni Department of Foreign Affairs Usec Theresa Lazaro , base sa inisyal na impormasyong ibinahagi ng China Embassy in Manila.

Naging prangka at produktibo umano ang talakayan ang dalawang bansa sa layunin na maging mahinahon ang sitwasyon sa pinagtatalunang teritoryo.


Sinasabing nagkasundo ang Pilipinas at China na paigtingin pa ang maritime communication mechanism sa West Philippine Sea, kabilang dito ang pinalakas na koordinasyon sa pagitan ng dalawang foreign ministries at ng coast guard ng dalawang bansa.

Nagkasundo ang Pilipinas at China na lutasin ang isyu sa mapayapang paraan.

“In the talks, the two sides reaffirmed that the South China Sea dispute is “not the whole story of bilateral relations,” anang embahada.


Base sa initial agreement ay kapwa pumayag ang Manila at Beijing na mag- initiate ng pag-uusap sa posibleng academic exchanges sa marine scientific research sa pagitan ng mga Filipino and Chinese scientists.

Ang pulong ay kasunod sa naging kasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at President Xi JInping sa San Francisco, California noong November 2023 para maiwasan ang tensiyon sa West Phil. Sea, na sinundan ng pag-uusap sa pamamagitan ng telepono nina Foreign Affairs Sec.Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi noong December 2023.


Kapwa naman nagprisinta ang dalawang partido ng kanilang posisyon sa Ayungin Shoal at siniguro ang kanilang mutual commitment para maiwasan ang tensiyon.


Tags: Department of Foreign Affairs Usec Theresa Lazaro

You May Also Like