NAKAHANDA umano ang China na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa Pilipinas kaugnay sa maritime dispute sa pinagtatalunang karagatan kabilang ang West Philippine Sea ayon sa Chinese Embassy sa Maynila.
Sa ibinahaging mensahe ng embahada,naniniwala ang China maaayos ang sigalot sa pamamagitan dayalogo at konsultasyon.
Kaakibat din nito ang paninindigan sa maritime stability sa rehiyon, umaasa ito na makikipagkita at gagawa ng joint efforts ang Pilipinas kasama ang China para muling pasimulan ang negosasyon sa naturang inisyatibo sa lalong madaling panahon.
Ginawa ng Embahada ang pahayag ilang araw matapos ang naganap na pagharang at pambobomba ng tubig o paggamit ng water cannon ng China Coast Guard para itaboy ang resupply vessel ng Pilipinas sa may Ayungin shoal sa West Philippine Sea.
Ayon pa sa embahada, palaging committed ang China sa pagpapanatili ng kapayapaan at istabilidad sa pinagtatalunang karagatan.
Aniya, mananatiling malapit na karatig bansa ang Pilipinas at China at ang kaayusan at istabilidad sa disputed waters ang nagsisilbing common interest ng dalawang bansa gayundin ng lahat ng mga bansa sa rehiyon.
Ang paggamit umano ng hype tactics (????) at pagsali ng third-party forces ay hindi makakatulong at sa halip ay lalo lamang magiging komplikado ang sitwasyon.
“Hype tactics (????) and the introduction of third-party forces will not help, but will only complicate the situation. The Chinese side has repeatedly suggested to the Philippine side to hold talks on how to manage the situation on the Renai Reef, which fully demonstrates China’s sincerity in controlling the situation on the Renai Reef. The Chinese side has been waiting for feedback from the Philippine side, and hopes that the two sides will start negotiations as soon as possible, to jointly maintain peace and tranquility in the relevant waters.”
Samantala itinanggi naman ng US Department of Defense na humingi ng assistance ang Pilipinas sa Amerika matapos ang pag-atake ng China sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission.
Iginiit din ng US ang karapatan ng Pilipinas para sa mag-resupply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Ayon kay Pentagon press secretary Air Force Brig. Gen. Pat Ryder, naninindigan ang US sa kaalyado nitong Pilipinas pagdating sa karapatan nito na mag-suplay o mag-resuplay sa barko nito na BRP Sierra Madre na matagal ng nasa Ayungin Shoal.