Ang mga kaso ng chikungunya sa bansa ay tumataas na rin sa ngayon.
Ayon sa Department of Health (DOH), base sa pinakahuling surveillance report ay nakapagtala ang DOH ng 149 kaso chikungunya mula Enero 1 hanggang Hunyo 11.
Ito umano ay matàas ng 263% mula sa naitalang 41 kaso sa kaparehas na panahon noong 2021.
Napag-alaman na sa Calabarzon naitala.ang pinakamataaas na bilang ng chikungunya na umabot sa 49 at ito ay sinundan ng Central Visayas na may 38 kaso at Davao Region na may 25 kaso.
Ayon sa datos ng DOH ,lumalabas na ang pinakamalaking pagtalon ng kaso ng chikungunya.ay nakita sa Calabarzon na pumalo sa 49 o 4,800 % ngayong taon mula sa 1 lamang noong nakalipas na taon.
Gayundin, sa Western Visayas, ang 1 ay naging 15 o 1,400 percent at.sa Central Visayas ay 3 na naging 38 o 1,167 percent.
Ang chikungunya ay isang viral disease na naililipat sa tao ng infected na lamok at ang sintomas nito ay lagnat at pananakit ng kasu-kasuan.