Chief of police patay sa road mishap

Dead on arrival sa pagamutan ang hepe ng pulisya sa bayan ng Lian, Batangas matapos sumalpok ang minamaneho niyang Sports Utility Vehicle sa isang 10-wheeler truck, madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa ulat ng Batangas police, tinatahak ng biktimang si Maj. Amiel Sanhi Jr. ang diversion road sa Barangay Tulo, Taal patungo sa direksyon ng Batangas City nang bumangga ang kanyang SUV sa truck na minamaneho ni Salvador Segfred.


Nagtamo ng mga sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang biktima, na agad itinakbo sa Batangas Provincial Hospital kung saan idineklara siyang dead on arrival.

Hawak na ng Taal police ang driver ng truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Batangas police

You May Also Like