SOBRANG nagpapasalamat ang aktres na si Charlie Dizon sa pagkapanalo bilang Best Actress sa 47th Gawad Urian awards night na idinaos sa De La Salle University sa Maynila Saturday evening para sa pelikulang “Third World Romance.”
Sabi ni Charlie sa kanyang acceptance speech: “Kung ‘di niyo lang alam sobrang gandang regalo ito sa akin ngayon. Forever grateful… Before gusto ko lang, I just wanted to be part of the industry. Hindi ko din inakala mamahalin ko pag-arte ng sobra sobra. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta. My family in the US is also here now, so this is also a present for them.”
Dagdag pa ng aktres, sini-share niya ang kanyang award sa iba pang kasama niya sa “Third World Romance” pati na sa co-actor niyang si Carlo Aquino.
Lucky charm daw niya ang aktor na rumored boyfriend niya,
Ang directior ng “Third World Romance” na si Dwein Ruedas Baltazar ang itinanghal naman na Best Drector.
Nanalo din ang movie ng Best in Musical Score at Best in Production Design.