CEU, NAKATANGGAP NG BOMB THREAT SA E-MAIL

By Itchie G. Cabayan

ISANG e-mail na nagbabantang pasabugin ang Centro Escolar University (CEU) sa Maynila ang natanggap ng University Student Council (USC) President mula sa isang di nakikilalang email sender,kamakalawa ng umaga sa Maynila.


Batay sa reklamong idinulog sa Manila Police District -Police Station 14, alas 9:36 ng umaga nang makatanggap ng e-mail si USC President Maria Nicole Carrido na nagsasabing sa ganap na alas- 10 ng umaga ay may sasabog na bombang itinanim sa ilang gusali ng CEU na matatagpuan sa No 9 Mendiola St., Brgy 641, San Miguel, Maynila.

Nabatid na ang e-mail ay nagmula sa TRNP <trnp67270@gmailmcom at nagsasaad ng: “The time is running out. All buildings inside the premises are compromise with a _____. TICK TOCK TICK TOCK .Happy Hunting!PS Leave the premises on or before 10am.”

Nakasaad din sa email na ipinadala kay Carrido ang mga katagang “Impeach BongBong Marcos Now. Marcos Resign”.


Agad namang ipinaalam ni Carrido kay Vice President of the Student Affairs Doctor Carlito Olajer ang e-mail.

Tumawag si Olajer sa sa MPD-PS14 na siya namang nagsabi sa MPD-District Explosive and Canine Unit (DECU).




Matapos ang kaukulang inspeksyon sa CEU ay idinaklara naman ng DECU na ligtas ang unibersdad at negatibo sa anumang uri ng bomba.


Tags: Centro Escolar University (CEU)

You May Also Like