Latest News

Cellphone ng 6 akusaso sa missing sabungero i-retrieve

By: Jaymel Manuel

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na makakatulong para lumabas ang katotohanan ang pagre-retrieve sa mobile cellphone ng anim na suspek sa mga nawawalang sabungero.

Nabatid kay Remulla na nag-apply na ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng cyber warrant sa mga cellphone ng akusado.

“Bakit mahalaga ito? Sapagkat, maari itong mag bigay liwanag sa mga ibang bagay-bagay sa ibang mga pangyayari bukod sa case number one na dahilan kung bakit sila nahuli,” ayon kay Remulla matapos na makipagpulong sa pamilya ng mga nawawalang sabungero.


“Kaya dahil dito ay sabi ko nga sa mga pamilya ng mga missing sabungeros, isang taon kami nag uusap… at sa isang taon na ‘yon, ito marahil ang pinaka mahalagang araw sapagkat may lumalabas na maaring maging tulay papunta sa katotohanan,” dagdag ni Remulla.

Magugunita na noong nakaraang Linggo ay naaresto ng CIDG sina
Julie “Dondon” Patidongan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Johnry Consolacion at Gleer Codilla matapos ang dalawang surveillance operation.

Gayunman,nagpasok ng ‘not guilty plea’ ang anim sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa arraignment na ginawa ng Manila regional trial court sa pagkidnap kina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco at Rowel Gomez.

Kaugnay nito, sinabi ni Remulla na dahil sa retrieval ng. mga mensahe sa cellphone, naniniwala ito na malapit nang makilala ang mastermind sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila arena.


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read