Latest News

Cebuano, nagwagi ng P87M-jackpot ng UltraLotto 6/58

By: Baby Cuevas

Inianunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang Cebuano ang solong nagwagi ng mahigit sa P87 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Martes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Melquides ‘Mel’ Robles, matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 18-22-30-55-26-05, na may katumbas na jackpot prize na P87,051,450.20.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa isang lotto outlet sa Mandaue City, Cebu.


Upang makubra ng premyo, kinakailangan lamang ng masuwerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kailangan rin nilang magprisinta ng dalawang balidong ID at ang kanyang winning ticket.


Paalala naman ni Robles, ang lahat ng lotto winnings na lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa itinatakda ng TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon matapos ang araw nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.


Muli rin namang hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga laro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Tags: Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

You May Also Like

Most Read