Latest News

Cebu Pacific plane sumadsad sa NAIA, 42 pasahero ligtas

LIGTAS ang 42 pasahero na sakay ng Cebu Pacific Flight DG 6112 matapos na sumadsad ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon.

Agad na nirespondehan ng NAIA rescue and medical unit ang 42 pasahero ng Naga-Manila flight ng Cebu Pacific at idieklarang ligtas ang mga ito matapos ang normal deplaning base sa paunang statement na inilabas ng Cebu Pacific management

Ayon sa Cebu Pacific Air, isa sa kanilang passenger plane na nagmula Naga City ang nagkaroon ng “ slight runway excursion,” paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Agad din itong nirespondehan ng mga Medical personnel Cebu Pacific Flight DG 6112 (Naga-Manila flight) bandang alas 11:45 am sa NAIA Terminal 3, ayon pa sa dvisory.

“All 42 passengers and four crew deplaned normally and are safe with no reported injuries. The passengers are being looked after and cared for,” dagdag pa ng Cebu Pacific.

“We are working on normalizing our operations as soon as possible.  We sincerely apologize for the inconvenience this has caused and we thank you for your kind understanding,” dagdag pa ng CEB. (VICTOR BALDEMOR/TSJ


Tags:

You May Also Like

Most Read