CBCP president: Maging si Hesus biktima ng red-tagging

TINULIGSA ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa kanyang homily nitong Biyernes Santo sa San Roque Cathedral sa Caloocan City ang pangre-red-tag ng ilang indibidwal.

Binanggit din niya na maski si Hesus ay biktima ng red-tagging.


“Siguro kaya red ang kulay ng Biyernes Santo. Paalala din ito na ang ikinamatay ni Hesus sa krus ay red-tagging,” pahayag niya.

“Organizer daw kasi siya ng mga poor fishermen sa Galilea, naglalagi pa siya sa mga liblib na lugar tulad ng mga disyerto at bundok, at related pa siya sa isang kilalang aktibistang propeta na si Juan Bautista at maanghang din magsalita. Ayun, subersibo daw,” dagdag nito.

Ayon din kay Kalookan Bishop na isa rin sa mga biktima ng red-tagging si Dr. Maria Natividad Castro, siya ay isang doktor na naglingkod lamang sa mga komunidad sa Mindanao ngunit inaresto dahil sa pangingindap. Kalaunan ay na-dismiss din ang kaso.


“Siyempre dahil napakatalino at napakagaling na doktor, dahil titulado, mataas ang credentials at pwedeng yumaman sa pagdodoktor, suspetsado kaagad siya porke’t pinili niyang sa mga dukha sa mga liblib na baryo magsilbi bilang doktor,” sabi niya.

“Sabi nga ng isang madre, ‘Ba’t ba ganyan, porke’t nagsi-serve sa mga dukha, komunista kaagad? Di ba pwedeng ‘Kristiyano’ muna?’” pahabol niya.


Tags: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)

You May Also Like