CBCP, nagpaalala na bawal kumain at mag-cellphone sa loob ng Simbahan

By: Carl Angelo

NAGPAALALA ang isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Katoliko na bawal ang pagkain at paggamit ng cellphone sa loob ng mga Simbahan, partikular na habang nagdaraos ng Banal na Misa.

Ang paalala ay ginawa ni Fr. Jerome Secillano, rector ng EDSA Shrine at siya ring executive secretary ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng CBCP, kasabay ng pagsisimula na ng Simbang Gabi nitong Lunes.


Sinabi ni Secillano na ang pagkakaloob ng buong atensiyon sa pagdaraos ng banal na misa, kahit hindi Simbang Gabi ang pinakamataas na uri ng pagsamba.

“Kahit hindi naman Simbang Gabi, dapat hindi tayo kumakain sa loob ng simbahan, hindi umiinom ng tubig, hindi nagti-tinker sa cellphone kasi gusto natin ng active and full participation ng tao doon sa misa,” pahayag ni Secillano.

“It’s not just rational but the proper thing to do. Pumunta naman tayo ng simbahan para magdasal. Hindi naman tayo pumunta doon para kumain o mag-relax lang. Tapos nakikipagkwentuhan pa tayo sa kaibigan natin. ‘Yung undivided attention ipakita natin because it is the highest form of worship,” dagdag pa nito.


Kasabay nito, ikinatuwa naman ni Secillano na maraming tao ang dumalo sa unang araw ng Simbang Gabi, dahil bahagi na aniya ito ng ating Christmas tradition.


Tags: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)

You May Also Like

Most Read