Latest News

CBCP, nagbabala sa taumbayan ukol sa ‘People ‘s Initiative’

By: Carl Angelo

Nagbabala ang mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), Sangguniang Laiko ng Pilpinas at Constitutional experts sa mamamayang Pilipino laban sa isinusulong na ‘People’s Initiative’ na naglalayong baguhin ang 1987 constitution.

Kasabay nito, hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mamamayan ng Bohol na huwag lumagda sa umiikot na signature campaign o People’s Initiative na may layunin na isulong ang Charter Change.

Sinsabi ni Bishop Uy na anumang inisyatibo na hindi dumaan sa wastong konsultasyon at talakayan ay hindi makatarungan at malinaw na pagsusulong lamang ng interes ng iilang indibidwal.


Samantala, pinag-iingat din ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang bawat mamamayan na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong kumakalat partikular na sa paglagda sa anumang petisyon, lalo’t higit ay nakasalalay dito ang kinabukasan ng bayan.

Pinayuhan ni Bishop Baylon ang mamamayan na pag-aralan ang isinusulong na charter change at iwasang magpadala sa tukso ng anumang pinansyal o materyal na kapalit ng kanilang lagda.

Ipinaliwanag pa nito na kinakailangang nakabatay at para sa kabutihan ng sambayanan o ng ‘common good’ ang layunin ng pag-amyenda ng Konstitusyon, kung saan hindi dapat na maisantabi ang anumang kalayaan at karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.

Iginiit ni LAIKO President Xavier Padilla na dapat maging mapagmatyag ang lahat at pag-aralan ng bawat isa ang usapin ng isinusulong na Charter Change upang magkaroon ng naaangkop na kaalaman para sa pagde-desisyon nang para sa bayan.


Tags: atholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)

You May Also Like

Most Read