Latest News

CBCP-ECCCE, nagbigay pugay sa mga guro

By: Carl Angelo

Nagbigay-pugay ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa mga guro kaugnay sa paggunita sa National Teachers Month.

Sinabi ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto, bukod sa serbisyo ng pagtuturo ay katangi-tangi ang paghuhubog ng mga guro sa mga estudyante upang maging maayos at huwarang mamamayan.


“Kilalanin ang natatanging ambag ng mga guro sa paghuhubog sa mga bata at kabataan sa pagkakaroon ng puso at isip n amay pagmamahal s Diyos, bayan, kapwa, at kalikasan, nawa sa pagdiriwang na ito ay hndi lang mabigyang pasasalamat ang ating mga guro kundi makahikayat dn ng maraming mga kabataang maging guro,” ayon sa mensahe ni Bishop Presto..

Samantala,hinimok naman ng Obispo ang mga kabataan at matatanda na pasalamatan ang kanilang mga dating guro na ngayon ay senior citizens at nakakaranas na ng ibat-ibang uri ng sakit sa kanilang pagtanda.

Nanawagan rin ang CBCP -ECCCE ng pag-aalay ng panalangin para sa lahat ng guro sa buong mundo na nag-aalay ng oras at buhay upang mahubog ang mga kabataan.


Nabatid na itinalaga ng Department of Education ang temang “Together4Teachers” bilang paggunita sa National Teachers Month at pagdiriwang din ng World Teachers Day sa Oktubre 5.


Tags: Catholic Bishops' Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE)

You May Also Like