Latest News

CAYETANO, LUMIPAD PATUNGONG SINGAPORE

By: Jerry S. Tan

Umalis ng bansa si Senator Alan Peter Cayetano nitong Setembre 9 patungong Singapore, sa gitna ng mga ulat na inihahanda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng kontrobersiya ukol sa2019 Southeast Asian (SEA) Games cauldron o kaldero.

Si Cayetano ay umalis ng Maynila via NAIA Terminal 3 Gate 109 at nagtungo sa Singapore Changi Airport (SIN) Terminal 2.


Ang kanyang flight, Singapore Airlines flight SQ921, ay umalis nang 6:35 p.m. at di malinaw kung may kasama siya.

Ang pag-alis ni Cayetano ay sa gitna ng mga pahayag ni NBI Director Melvin Matibag na diumano, ang kaldero o cauldron na ginamit noong 2019 SEA Games ay ‘overpriced’ o dalawang beses na nai-charge.

Walang bilateral extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.


Tags: Senator Alan Peter Cayetano

You May Also Like

Most Read