Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 7 sa isinagawang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), ang dalawang Caviteño na dumayo pa sa Maynila para magbenta ng shabu.
Nasa kustodiya ng MPD-PS 7 ang mga suspek na sina Allan Ocampo, 44 at Paul Jordan Aguilar, 41, kapwa taga – No. 97 Brgy. Aniban II Bacoor City Cavite.Naaresto sila kamakalawa ng umaga sa Rizal Avenue,Tondo, Maynila, alas- 9:45 ng umaga, matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa iligal na gawain ng mga suspek.
Nakumpiska sa kanila ang dalawang sachet ng shabu na tumitimbang ng 10 gramo na may market value na P68, 000.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek.














