Latest News

Catriona, Sam may pinagdaraanan

MISMONG ang talent agency nina Sam Milby at Catriona Gray na Cornerstone Entertainment ang nagkumpirma na may “challenges” na pinagdaraanan sa kanilang relationship ang  celebrity couple.
Ayon sa agency,  “both are actively working” para maresolba ang mga isyu na ito.
Sa official statement na ipinost ng agency, binigyang-linaw nito ang  tungkol sa true status ng engaged couple.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation. We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple,” pahayag pa ng Cornerstone.
Nagsimula ang breakup rumor ng dalawa nang mapansin ng netizens na hindi suot ni  Miss Universe 2018 ang engagement ring sa photos sa isa sa.event na dinaluhan niya noong February.
Last Feb. 6,  ikuwento ni Mama Ogs na ayon sa manager nina Catriona and Sam na si  Erickson Raymundo,  hindi true ang tsika na hiwalay na sila dahil nagkataon lang na hindi naisuot ni Cat ang engagement rings.
Pero last Feb. 24 Ogie, chinika ni Mama Ogs sa kanyang YouTube channel na ayon sa kanyang “sources,”  confirmed na umanong break sila noon pang January.
Chika pa ng source ni Mama Ogs, na-realize daw ni Sam na hindi pa siya ready magpakasal, kaya ang ending,  tuluyan nang nag-break ang dalawa.
Tags: ,

You May Also Like

Most Read