Latest News

CASINO FINANCIER, ARESTADO SA MPD SA REKLAMONG KIDNAPPING AT ILLEGAL DETENTION

By: Baby Cuevas

ISANG Chinese national na umano ay casino financier ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 5 matapos ireklamo ng illegal detention at kidnapping ng kanyang kababayan na isang computer technician, kamakailan sa Adriatico Street sa Malate, Maynila.

Ipinrisinta kay MPD Director PGen Thomas Arnold Ibay ang suspek na si Song Peng Ren alyas Luo Jie, 35, Chinese national at naninirahan sa Alpha Grandview Condominium , 1906 BBT Building sa M. Adriatico Street, Malate.

Ang suspek ay positibong kinilala ni Luo Jing, alyas Jun Cheng, 31, Chinese national, ng Tower II, Unit 7011, Coast Residence Pasay, City na isa sa limang Chinese nationals na iligal na nag- detine sa kanya dahil sa P200,000 na pagkakautang sa casino.


Naganap umano ang insidente sa Xi Lai Deng casino na matatagpuan sa Adriatico Square sa General Malvar corner Adriatico Streets sa Ermita, Maynila noong Hunyo 28,2024.

Kasama umano ni Cheng ang kaibigan na si Yang Jinwen nang magpunta sa Adriatico Square kung saan dumiretso si Cheng habang si Yang ay sa bar nagpunta at uminom.

Maya-maya ay nakatanggap na umano ng message si Yang at sinabi na siya ay idineitine ni Song.

Nagreklamo naman si Yang sa MPD-PS 5 at pinuntahan ang casino kung saan naaresto si Song, habang nagsagawa naman ng rescue operation ang mga awtoridad at nagawang masagip si Cheng.


Hinahanap pa ng MPD ang dalawang kasama ni Song habang sinampahan ng kasong kidnapping, illegal detention si Song.

Walang inirekomendang piyansa ang Manila Prosecutor’s Office para sa pansamantalang kalayaan nito.

Tags: Manila Police District - Station 5

You May Also Like

Most Read