Naniniwala si retired Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan na malaking tulong siya bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).
Giit niya, hindi naman daw kailangan na maging doktor para maitalaga sa DOH.
Matatandaang umani ng ilang kritisismo ang pagkakapili kay Cascolan ni Pangulong Bongbong Marcos bilang Health undersecretary dahil isa itong pulis.
Noong Linggo, pinasalamatan ni Cascolan si Marcos.
“I’m not a doctor but one doesn’t need to be a doctor to be assigned in DOH,” saad niya.
“Administration and [management] will always be a part of every department in government and I believe I will be of big help in this area,” dugtong niya.














