Tiniyak ni dating Former Philippine National Police chief at ngayon ay Health Undersecretary Camilo Cascolan na siya mismo ang magbibitiw sa kanyang tungkulin kapag hindi naging maayos ang kanyang trabaho sa Department of Health(DOH).
“Just observe me. If I’m not good, if I don’t do well, I’ll be the first to get out. Everybody needs to be given a chance,”ayon kay Cascolan.
Una nang umani ng kritisismo ang appointment ni Cascolan mula kay Alliance of Health Workers (AHW) and ACT Teacher’s party-list Representative France Castro dahil sampal umano ito sa mukha ng mga eksperto na mas kuwalipikado para sa posisyon
Kaugnay nito,nabatid na magfo-focus kanyang trabaho si Cascolan sa Visayas Region kung saan nakatuon lamang sa operasyon ang kanyang trabaho.
Ayon kay Cascolan,inatasan siya na manguna sa field implementation at coordinating team.
Ang kanya umanong mga kahusayan sa logistics, paghawak ng mga tao at ang kanyang professional experience sa field sa loob ng may 38 taon ang kanyang magiging gabay sa kanyang bagong tungkulin.
“One of the plans that I have done for PNP is to boost their morale and welfare. And that’s how we may able to change a lot of people…because it’s true [that with] high morale and their good welfare that a lot of people would be performing well,” dagdag pa ni Cascolan. (Carl Angelo)














