CARNAPPER, ARESTADO SA MPD

By: JANTZEN ALVIN

INARESTO kahapon ng tanghali,sa Quiapo, Maynila, ng mga operatiba ng Manila Police District-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ang isang carnapper na may dalawang taon nang nagtatago sa batas.


Sa ulat na tinanggap ni MPD Director Gen. Arnold Thomas Ibay, ang suspek na si Ricky Ceres ,39, delivery driver, ay naaresto alas-12 ng tanghali sa may Raon Street sa Quiapo, Maynila.

Si Verez ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Phillip Charles Santos ng Branch 45 at may petsang Disyembre 22,2022, para sa kasong paglabag sa Section 3 of R.A 10883 (NEW ANTI-CARNAPPING ACT).

Inirekomenda ni Judge Santos ang P300,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


Nasa kustodiya ng DPIOU ang suspek at nakatakdang dalhin sa korte para sa disposisyon.


Tags: Manila Police District-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU)

You May Also Like

Most Read