CARNAPPER, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

Isang carnapper na diumano ay wanted sa kasong Sec. 3 of R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2006) ang arestado sa isinagawang operasyon ng Manila Police District-District Special Operation Unit (MPD-DSOU) kahapon ng umaga sa Tanque Street malapit sa panulukan ng United Nation Avenue, Ermita, Maynila.

Nasa kustodiya ng DSOU ang suspek na si Michael Joven Galang, 31, miyembro ng Batang City Jail at residente ng 529 Bo. Sta. Maria, Brgy. 818-A Pedro Gil, Paco, Maynila.


Si Galang ay naaresto ng mga pulis alas- 10:15 ng umaga sa nabanggit na lugar sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Jason J. Zapanta ng Manila Regional Trial Court Branch 174 na may petsang Hulyo 23,2024 .

Itinakda ng korte ang P300,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


Tags: Manila Police District- District Special Operation Unit (MPD-DSOU)

You May Also Like